Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Rights of Buyer against Developer/Contractor

Rights of Buyer against Developer/Contractor 2 years 1 week ago #17465

  • Mhel Cordoviz
  • Mhel Cordoviz's Avatar
  • OFFLINE
  • Fresh Boarder
  • Posts: 3
  • Thank you received: 1
  • Karma: 0
Dear Sir/Mam:
Good day! Sir/Mam, Ako po si Mhel an Ex-OFW. Nais ko po idulog sa inyo etong kinakaharap ko problema sa ngayon at gusto ko po malinawan ang lahat tungkol dito. Ayoko po sana mawala etong kinuha kong property dahil eto po sana yon dream house ko at investment pero na mimiligro pa yatang mawala eto sa akin. Ganito po yon, Kumuha po ako ng House & Lot promo package last 2011 sa isang subdivision sa Laguna. February 6, 2011 ako po ay nagbayad ng Reservation Fees at yon remaining balance as down payment/equity payable in 16 months. Dahil sa isa po akong OFW ay madaliang po ang naging tripping sa aking ng agent at sales coordinator from Real Estate/Developer. Dahil under Vacation lamang ako at limited na lang yon oras ng vacation ko at malapit na ko bumalik sa Middle East. Wala na akong time para basahin o ireview pa yon napaka-habang Contract to Sell at kung anu-ano pang documents na pinapirmahan sa akin kasi tiwala naman ako sa mga paliwanag nila sa akin. Nakiusap ako na mag-start na lang ako ng 1st monthly installment ng Down Payment/Equity from April 16,2011 up to July 16, 2012 (16 months) thru PDC issued. November 2011 Bago ko po matapusan hulugan yon down payment/equity ko nagpadala sa akin thru email yon Developer ng Conforme Letter. Nakasaad don na parang sinasabi nila na wala daw silang pananagutan (Developer) kung anuman yon transaction namin ng Contractor sa House construction and my other claims. After fully paid ng down payment/equity ay binalak ko po ipasok sa Pag-ibig Housing Loan pero dahil sa kabagalan ng Contractor na binigay ng Developer para gumawa ng bahay ko ay hindi na meet yon deadline ng Pag-ibig appraiser sa akin para maaprubahan sana yon housing loan ko.

Nagpatuloy pa rin yon monthly installment ko sa Developer and Contractor after fully paid ng down payment. Then as per Developer kaylangan tuloy-tuloy pa rin daw yon monthly amortization ko habang inaapplay ko yon housing loan ko sana sa Pag-ibig or Bank. Dahil sa natatagalan proseso ng mga requirements na dapat ipasa sa Pag-ibig ay na pagpasyahan ko na ipagpatuloy na lamang yon monthly amortization ko under In-house thru Developer. Naging maganda ang pagbabayad ko sa loob ng mahigit 2 taong ng walang palyang hulog sa developer at Contractor. Ngunit dahil sa napakatagal matapos yon house construction from 2012 after fully paid ng down payment (ang sabi lang nila sa akin ay kayang tapusin yon bahay ng 6-9 months) para sana ay inaasahan ko na pwede na akong makalipat nuon 2013 or 2014 pero hindi rin nangyari yon at hindi rin natapos gawin yon bahay hanggang ngayon 2017 dahil na rin sa kakulangan ng budget ng Contractor. Kaya po after ng fully paid ng down payment ko at nakabayad na ako sa House for 1 year monthly amortization ay nakiusap na akong ihinto ko muna yon hulog ko sa Contractor. Dahil sa hindi pa natatapos yon bahay at pumayag naman si Engineer (Contractor). Habang tuloy-tuloy pa rin yon pagbabayad ko sa Lot only from 2011-2016. Good record ako sa Developer from 2011 (Included Down Payment/Monthly Amortization) but due to personal reason ay nawalan na ako ng trabaho at biglaan din nagkasakit ang aking nanay nuon 2014 at kinailangan naming syang ipagamot at suportahan sa mga gamutan nya at pati ang regular checked-up nya sa doctor. Kaya po lumiliban na rin ako sa aking monthly amortization pero ginagawan ko pa rin eto ng paraan mapunuan yon monthly amortization ko kahit magbayad ako ng penalty sa kabila ng wala na akong trabaho. Dahil meron pa naman akong konting naipon at inaasahan tulong mula sa akin mga kapamilya at kaibigan. Last May 2016 pinadalhan nila ako ng 1st and 2nd Demand Notice thru email from their Operations Department due to my delayed payment pero naiayos ko naman eto at nagawan ng paraan makabayad at mahabol yon outstanding balance ng paunti-unti kahit may naiwanan pa rin penalty/surcharge. Last June 2016 ay hindi na ako nakapaghulog kaya po pinadalhan nila ulit ako ng Demand Notice thru email (dito kasi kami nag-uusap ng Developer hindi po ako nakaka-recieve ng postal mail/registered mail from developer). As per Demand Notice as of May 2, 2017 that I need to comply within 30 days don sa condition nila na dapat mai-settle ko yon oustanding balance or else forfeiture of payments/applied Maceda Law.

Eto po ang aking mga katanungan:

1) Ano po ang rights ko as buyer para po maipagpatuloy ng Contractor yon House construction kahit hindi muna ako magbayad? Dahil sila naman po ang may kakulangan at sumira sa usapan namin na dapat matapos na yon bahay ng 6-9 months after fully paid ng down payment. Maari po ba akong magreklamo against sa Developer & Contractor dahil sa kapabayaan nila matapos yon bahay na dapat sana ay pwede ko ng matirahan kahit na meron silang pinapirmahan sa akin conforme letter?

2) Valid po ba yon Conforme Letter na pinapirmahan sa akin ng Developer thru email without notary public? dahil alam po nila na OFW ako nasa abroad kaya wala kami chance to meet personally before.

3) Valid po ba etong Demand Notice kahit thru email lang nila ipinadala sa akin at hindi pinadaan sa postal mail/registered mail?

4) Pwede ko po bang irequest or gamitin etong ground na para tumigil muna ako ng paghuhulog at ireject etong Demand Notice for refund/forfeiture of payments? dahil sa naging kapabayaan ng developer na hindi matapos yon house construction kaya tinabangan na akong hulugan yon House/Lot monthly amortization.

5) Kung magtutuloy po akong magbayad. Pwede po bang ang hulugan ko na lang ay yon actual outstanding balance at wag ng isama pa yon penalty/surcharge upang hindi na lumaki pa yon arrears ng monthly amortization?

6) San po ako unang pupunta para mabigyan po ako ng tulong at aksyon? Dapat po ba makipag-usap muna ako sa Developer at sagutin ko yon Demand Notice sa akin thru email? Or Pwede na po ba akong dumiretso sa HLURB para humingi ng tulong at aksyon ukol sa akin problema dito sa property purchased?

7) Kung sakali po pumayag na akong irefund ko na lang yon naihulog ko at iapply na etong Maceda Law R.A. No. 6552 sa akin. Magkano po ang makukuha ko dito? Kasama po ba sa computation ng Lot yon naibayad ko sa House kahit na separate na yon payment ko sa Contractor? dahil wala na raw pakialam ang Developer sa magiging transaction namin ng Contractor sa house construction and payment based on Conforme letter.
Note: House payment of 28 months and Lot payment of 62 months (included down payment and monthly amortization)

8) San po ang basis ng 50% computation na ire-refund nila sa binayad ko sa Total Amount Paid (Monthly Amortization) or Principal Amount excluded Interest? based on Statement of Account from Developer and Contractor.

9) Kung sakali po napatunayan na may violation/fault ang Developer/Contractor dahil sa kapabayaan nila matapos yon house construction pwede ko po bang mairefund yon 100% total amount paid ko?

10) Gaano naman po katagal ang proseso para makuha yon refund ng aking naibayad sa Developer and Contractor? Kaylangan po ba dumaan pa eto sa korte para sa proseso ng refund or in between na lang po eto sa buyer and Owner/Developer/Contractor agreement?

11) Kung sakali hindi ko na itutuloy pa hulugan yon property. May karapatan po ba akong irequest na stop payment muna ako habang under for sale ko na lang yon property para hindi na ma-foreclose yon property ng developer?

12) Ano po mga documents ang dapat kong ihanda at dalhin para sa pagrereklamo ko sa HLURB against to Developer and Contractor? Kaylangan po ba mag-comply ako before/after 30 days on demand notice?

Hangad ko po ang inyong kasagutan sa lalong madaling panahon. Maraming Salamat po!
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.046 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.