Good day po Atty!
Atty, isa po akong simpleng empleyado lamang. gusto ko po sana humingi ng tulong sainyo since, wala naman po kaming pera para maka pag pa accommodate po for legal assistance. Nag resign na po kasi ako sa dati kong trabaho, ngayon po. medyo matagal na din po nang makuha ko po yung last pay ko, pero hindi pa po nila ako binibigyan ng certificate of employment kasi di daw po ako nag request. Ngayong araw lang po, nagtext po saakin yung Hr Mgr. na mag report daw po ako dun sa dati kong employer kasi po mali daw po yung computation ng last pay ko. At inu obliga po nila akong bayaran o ibalik yung nakuha kong last pay.
Dapat ko po ba bayaran yun? hindi ko naman po kasi alam kung pano po ang computation nila ng last pay ng mga nag reresign na empleyado, kaya di ko rin po alam kung mali yung computation ng last pay ko. ang alam ko lang po kasama po sa last pay yung cash bond na bina bawas nila sa sahod namin. Kaya hindi ko po alam kung mali po yung na received kong checke ng last pay ko. Nagamit ko na din po kasi yung pera sa pagkaka hospital ni papa.
Wala po kasi akong alam na pwede mahingian ng tulong kundi po kayo. Tama po ba na pabayaran o idemand nila saakin yung pag kakamali ng ng compute ng last pay ko? may mga approving authorities din naman po bago ma approved and mareleas ang last pay. bakit po di nila na check bago ko pa ma received yung last pay ko?
Sana po matulungan mo po ako atty. kasi wala din po ako pambayad or wala na po akong maibabalik sa kanila. dahil nagamit na din po yung pera. Sana po mabigyan mo po ako ng advise kung ano gagawin sa problema ko pong ito.
Salamat po.