Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Third Party Claim on Land Without a Title

Third Party Claim on Land Without a Title 7 years 3 weeks ago #18

  • Carlos
  • Carlos's Avatar
Good day!

Nais ko lamang pong humingi ng advice tungkol sa lupa ng aming pamilya. Ang lolo ko po noon ay nagbenta ng bahagi ng kanyang lupain sa isang kaibigan. Dahil matagal na panahon na po ito, hindi na rin alam ng aking ina at kanyang mga kapatid ang mga naging transaksyon; ni wala nga pong Deed of Sale ang bentahan. Ang natirang lupa naman, matapos mamatay ang aking lolo, ay pina-survey na at pinaghati-hatian ng aking ina at ng kanyang dalawang kapatid. Dahil po maayos naman ang kanilang naging hatiang magkakapatid ay hindi na napalagyan ng titulo ang lupa, subalit naging regular naman ang pagbabayad nila ng amilyar at may OHA ang lupa. In fact, naibenta na nga rin po ng tita ko dun sa isa kong tita yung parte niya sa lupa kaya sa ngayon ay dalawa na lamang sila nagmamay-ari ng lupa (2/3 sa tita ko, 1/3 sa ina ko).

Ilang buwan na po ang nakararaan nang biglang lumapit ang mga anak ng kaibigan ng lolo ko at sinasabing may nawawala daw sa kanilang lupain at maaaring yung daw lupa ng aking ina at kanyang kapatid ay bahagi ng naibenta ng aking lolo (magkatabi lamang po yung dalawang lote). Hindi na naman nila ma-confirm sa kaibigan ng aking lolo dahil may Alzheimer's na ito. Wala rin naman po silang papeles na maipakita maliban dun supposedly eh total land area na meron ang pamilya nila.

Sa ngayon po ay OHA, mga resibo ng amilyar, at mga mapa ng lumang survey lamang ang pinanghahawakan namin. Matagal na po naming hawak ang lupang iyon at lahat ng mga kapitbahay namin sa lugar ay alam na kami ang may-ari ng bahagi ng lupaing iyon. Ano po ba ang maaring gawin namin upang malutas ang isyu sa lupa?

Maraming salamat po!
The administrator has disabled public write access.

Third Party Claim on Land Without a Title 7 years 3 weeks ago #19

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
Patituluhan nyo po ang lupa. Ang mga hawak nyo ay pawang mga ebidensya ng ownership at hindi proof na pagmamay ari nyo ang lupa.
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
The following user(s) said Thank You: Carlos

Third Party Claim on Land Without a Title 7 years 3 weeks ago #20

  • Carlos
  • Carlos's Avatar
Salamat po sa tugon!

Nais ko lamang pong itanong muli kung ano ang maari naming gawin upang masiguro na sa amin maipapangalan ang lupa. Recently po kasi ay pina-survey nila yung lupa ng kanilang pamilya at somehow ay isinama yung lupa ng aming pamilya sa pagsusukat. Nababahala lang po kasi kami na baka patituluhan nila nang kasama yung parte namin sa lupa nang hindi namin nalalaman; kumbaga unahan kami dahil na rin wala pa ngang titulo yung lupa namin. Ano pong mga hakbang ang maaari naming gawin upang masiguro na hindi nila makukuha ang parte ng aming lupa?
The administrator has disabled public write access.

Third Party Claim on Land Without a Title 7 years 2 weeks ago #21

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
Di ka naman dapat mabahala kasi kung ang lupa nga ay sa inyo at may sapat kang ebidensiya, mapapa sa inyo ito at pag may nang angkin nito na hindi naman sa kanila, may mga paraan na naaayon sa batas para ito ay mabawi niyo.

Ang pinaka importante ngayon ay ang magpatitulo ka para mapagtibay ang inyong pag aari sa lupa.
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
The following user(s) said Thank You: Carlos

Third Party Claim on Land Without a Title 7 years 2 weeks ago #22

  • Carlos
  • Carlos's Avatar
Kung ganoon ay ganun na nga lang po ang hakbang na gagawin namin. Muli ay maraming salamat po sa payo!
The administrator has disabled public write access.

Third Party Claim on Land Without a Title 7 years 2 weeks ago #23

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
Walang anuman.
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.054 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.