Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Bridge of Contract

Bridge of Contract 5 years 7 months ago #13587

  • Richard
  • Richard's Avatar
  • OFFLINE
  • Fresh Boarder
  • Posts: 1
  • Karma: 0
Magandang hapon po Attorney meron po sana ako gusto ilapit sa inyo kaso tungkol po ito sa Contract Agreement na napagkasunduan po namin. Ako po ay nag Rent ng 2 Tourist Bus sa Natap Travel and Tours Inc. ang kanilang Office ay matatagpuan sa #13 Power Villas Himlayan Road, Pasong Tamo, Quezon City sila po ay nag send sa amin ng contract at gayundin po kami. Ang reklamo ko po ay ang 2 Bus na pinadala nila sa amin ay mga commuter bus na ang byahe ay Fairview – Baclaran imbes na tourist bus iba sa mga bus na pinakita sa akin noong nag occular ako sa garahe. Tapos marami sa nakasaad sa contract ang hndi nasunod. Ito po ay nangyari last April 5-6 2014 nag outing po kami sa Bolinao, Pangasinan. Tapos po ang mga bus na pinadala nya ay parehong walang mga permit kasi nga po out of line sila kaya ang nangyari panay iwas nila sa mga traffic enforcer dahil baka daw mahuli sila. Muntik pa po kami madisgrasya dahil po sumabog ang gulong sa likuran ng bus habang binabagtas namin ang NLEX. Ang dami po naging aberya na nangyari sa amin at late pa po kami nakarating sa resort dahil sa late din dumating ang 2 bus sa pick up point namin. Ang Driver pa na pinadala nya ay mga puyat pa kasi katatapos lang nila sa isa pa nila byahe bago kami. Nung nasabugan po kami ng gulong wala pa po sila dala spare o reserba pamalit agad na gulong at dito na delay na naman kami ng 2 hours dahil sa pag hahanap ng Vulcanizing at ng mabibilhan ng gulong dahil hindi na pwede gamitin ang sumabog na gulong kaya kailangan talaga palitan. Tapos po ang mga driver po ay hindi marunong gumalang sa kanyang mga pasahero mga bastos pa. Sa simple hnd pag sunod sa contract napakarami na po ang naging aberya. Maari po ba ako humingi sa kanila ng danyos o refund sa binayaran namin dahil sa nangyari sa amin. Gusto ko rin malaman kung legal ba ang business operation nila dahil may nakausap din ako na nangyari na rin pala ito sa iba at ginagawa rin pala nila sa iba. Ang Agency ay pinatatakbo ng mag-asawang Noel and Terry Casura sila po ang mga nakausap ko tao at sana po mabigyan aksyon ito sa lalong madaling panahon para naman hindi na sila makapanloko pa ng iba. Ang dalawang nabanggit na pangalan ay ayaw makipag ayos sa amin matapos ang nangyari sa amin. Sinubukan ko po sila tawagan at ang lagi dahilan msaydo daw sila busy at hnd pa nila alam kung kelan kami pauunlakan sa meeting na hinihingi namin sa kanila. Lagi po ganito ang kanilang dahilan at halatang umiiwas sa reklamo sa kanila at ayaw harapin. Magaling lang sila sa umpisa kapag makikipag deal at nakuha na ang bayad ang kakapal ng mga mukha nila. Nagtatago kapag may reklamo laban sa kanila.

Hingi po ako ng advise sa inyo kung ano po ba ang nararapat gawin sa mga taong ito? At maparusahan dahil po buhay po ng tao ang nakasalalay dito kung sakali man na naaksidente kami sa mga oras na iyon. Ano po ba ang pwede isampa kaso sa kanila? Kung kailangan po ninyo makita ang contract send ko po sa inyo sa email.


Lubos na gumagalang,
Richard
The administrator has disabled public write access.

Bridge of Contract 5 years 7 months ago #13623

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
Tulad po ng sabi nyo, pwede po kayong humingi ng danyos dahil sa paglabag nila sa contrata. Pwede niyong i file ito sa regular court.

Kung tungkol naman sa permit nila, pwede po kayo sumangguni sa LTFRB kung public transport po sila para mapa kansela ang franchise o license to operate nila.
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.060 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.