Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Bentahan ng lote

Bentahan ng lote 5 years 3 months ago #13605

  • grace
  • grace's Avatar
  • OFFLINE
  • Fresh Boarder
  • Posts: 1
  • Karma: 0
Nais ko po sanang humingi ng advice tungkol sa problema ng nanay ko sa bentahang ginawa nya sa lote namin sa probinsya. Ang loteng ito ay namana nya sa kanyang mga yumaong mga magulang. Tanging dalawa lamang po silang babaeng magkapatid at ang kaisa isa nya ng kapatid ay pumanaw na rin. Ang loteng ito ay nahati sa kanilang magkapatid. Ang mga dokumento ng lupa gaya ng blue print,deed of sale at iba pa ay nasa anak ng kapatid ng nanay ko at itago natin sa pangalang "Balong". Nais ko pong isa isahing idulog sa inyo ang mga problemang pinagdadaanan ng nanay ko sa inyo po dahil sa totoo lang naging magulo ang bentahan ng lote buhat ng mamatay ang mga magulang nito at ng kanyang kapatid:

1. Sa parte ng lote ng nanay ko bale 207 sq. mtr. ang naging pag-aari nya. Bale yung 85 sq. mtr. po naibenta nya na pinsan ko at itago natin sya sa pangalan "Nathan" sa murang halagang 50,000.00 lamang po. Ang problema wala po syang right of way. Ngayon buwan na ito nalaman lamang ng nanay ko na nagkaroon ng usapan sina Nathan at Balong na yung 12 sqr. meter ay magiging right of way ni Nathan at ito ay bilang donasyon na lang daw at iyon ang ikinagalit ng nanay ko dahil mali yung ginawa nila. Tama po ba sir,balak ipabayad ng nanay ko kay Nathan yung right of way na 12 sq. mtr.?

2. Yung natirang portion sa lote nagkaroon ng kasulatan ang nanay ko sa kapit bahay namin na si Dina ang bibili sa lote nuong May 2011 at nakakuha na ang nanay ko sa kanya ng 70,000.00 partially. Pero ang problema di naman kay Dina napunta yung lote, dahil nagkaroon ng agreement sa pagitan ng nanay ko at kay Balong na pagsamahing ibenta na lang sa ibang tao yung share ng nanay ko sa parteng lote ng nanay ni Balong (Si Balong na po kasi ang nag-aasikaso at may hawak sa naiwang mana ng nanay nya). Sa madaling sabi po,nalaman ni Dina po na di na sa kanya mabebenta yung lote at galit sya mismo sa ginawa ng nanay ko at pinagmumura sya ng husto at magdedemanda daw ito. Sir, willing naman po nanay ko na ibalik yung 70,0000 na kinuha nya kay Dina, kaso di pumayag si Dina na kunin yung pera at pinatubuan nya ito ng halos umabot sa 224,000.00 mahigit. Tama ba naman yun sir? Dahil wala naman po silang kasulatan na patubuan yung 70,000 at binibigyan sya ng plaso hanggang May 15 na lang po.

Sir, umaasa po ako na sana matugunan nyo po agad tong mga katanungan ko at gusto ko rin maayos yung gulong kinasasangkutan ng nanay ko.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Grace
The administrator has disabled public write access.

Bentahan ng lote 5 years 3 months ago #13639

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
1. Pwede naman pong ipabayad yung right of way kung papayag ang mga partido. Kaya lang, ang right of way ay pwedeng igiit ng walang kaukulang bayad.

2. Kung nagbentahan na nga sila ng lupa at partially ay natupad na ito, hindi na pwede umatras ang nanay mo dito ng walang liability. Ang deed of sale ay consummated na kaya pwede na igiit nung bumili ang karapatan nya sa lupa. Pwede humingi ng danyos yung taong bumili ng lupa dahil sa hindi pag tupad ng nanay mo sa bentahan at kasama din legal interest.
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.049 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.