Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Construction Contract

Construction Contract 3 years 8 months ago #16107

Good afternoon po. Hingi lang po ako ng legal advice sa problema ko sa construction. Ako ay isang contractor. Late February or early March kinontrata po ako ng isang pastor para gawin ang 4 units apartment nya. Nagkasundo naman po kami kaso hindi po sya pumirma sa iprinisent kong contract at wala rin po syang binigay na downpayment dahil magloloan pa raw po sya.. Magkaganun man, nagtiwala po akong tutupad po sya sa aming mga usapan kahit verbal lang. Usapan po namin na magpapadala po siya ng pampasweldo every week at mag iiwan ng ilang post dated checks para sa materyales. Pinakiusapan rin po ako ni Pastor kung maaari ay maghanap ako ng hardware na maaaring naming utangan ng materyales. Alam rin po kasi nyang di po sasapat ang iniwan nyang post dated checks. Tumupad na man po sya sa parteng iyon ng usapan ganun din po ako. Sa kagustuhan kong hindi matigil ang trabaho ng aking mga tauhan ay naghanap ako ng hardware na mauutangan ng materyales habang. Umabot na po sa 1.5M ang nagastos sa apartment. Ang total po na naibayad ni Pator sa akin ay 900K pa palang po. 500K sa labor at 400K sa materials (halaga po ng PDC na iniwan nya). Lahat po ng ibinayad nya ay may mga resibo naman po akong ibinigay para katunayan sa ibinayad nila.

Ang problema ko po, nangako po kase sya na magbabayad noong July pagdating nya galing Amerika pero di po sya nakabayad dahil di pa raw naapprove and loan nya doon. Di ko man po nagustuhan ang nangyare ay wala rin po akong nagawa dahil may dahilan nmn po sya. Nangako na man po sya na magpapadala ng 50K pagbalik nya ng Amerika noong August. Since then po di ko na sya nakausap. Wala rin pong 50K na naibigay o naipadala nya sa akin. Kahit anong pagmimessage ko sa kanya at pagtawag ay di po sya sumasagot. Ngayon po, naiipit na rin ang iba kong project dahil nagamit ko po ang pondo sa apartment ni Pastor. Ayaw na rin po akong bigyan ng materyales hangga't sa hardware kung hindi po cash ang ibabayad ko.

Nalaman ko pa po na kumuha ng bagong contractor si Pastor sa assistant nya ng di ko po alam at kahit di pa po sya nakaiipag usap sa akin. Inaakusahan pa po ako ng di kung ano-ano para matakot siguro ako at di na sila pakialaman. Pero napakalaki na po ng naaabono ko sa project na iyon. Di po birong halaga. Sana po ay matulungan nyo po ako kung ano ang maganda kong gawin para mabawi ang aking naabono kahit di na o nila sa kin ipatuloy ang project.

Maraming salamat po.
The administrator has disabled public write access.

Construction Contract 8 months 2 days ago #17926

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
Sa kalagayan nyo po ngayon, ang kailangan nyong gawin ay mag file ng kaso sa korte para sa danyos. Hingin nyo po sa korte na bayaran kayo dun sa serbisyo na inyong binigay at sa pera na inabono nyo. Pwede rin po isali dito ang kasong breach of contract dahil sa hindi pagtupad ng pastor sa kasunduan nyo.
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.047 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.