Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Lock in Insurance for Car Loan

Lock in Insurance for Car Loan 1 year 3 weeks ago #17895

Good day po!
Magtatanong lang po ako tungkol sa 3 year Lock in Isurance period sa bangko. Bale ganito po ang pangyayari. Bumili po kami ng sasakyan noong June 2016 at dahil isa po akong OFW, wala po ako nang inilabas ang aming sasakyan kundi ang asawa at byenan ko lang po. Ngayon ang nangyari po ay meron po pinirmahan ang asawa ko na 3 year lock in insurance sa bangko. Ang unang taon po ay libre at ung mga sumunod na mga taon ay kailangan po namin bayaran dahil nagissue po ng cheke ang asawa ko. Kaso po sa hindi inaasahang pangyayari dahil na din po sa pagod ng asawa ko dahil simula umaga pa lang ay dumating na po sila s dealer ng sasakyan kaso narelease na po yung sasakyan ng gabi kaya sobrang pagod at gutom po ang inabot ng asawa at byenan ko habang hinihintay ang release ng sasakyan po namin at dahil sa sobrang pagod dahil gusto na pong makauwi ng asawa at byenan ko, hindi na po naalala ng asawa ko na meron syang pinirmahan na agreement at naisyung cheke para s insurance.

Tapos noong taon 2017, meron po nagoffer sa amen ng Comprehensive Policy para sa aming sasakyan at dahil sa maganda naman po ang offer at hulugan kaya tinanggap na din po namin. Tapos yung insurance company po na kinuhanan namin ay pinasa po ang aming comprehensive insurance sa bangko dahil nakamortgage pa po yung sasakyan namin. Tinanggap naman po ng bangko ung pinasang comprehensive insurance.

Tapos ngayong taon 2018, naisipan ko po na magpaquote ng insurance s ibat ibang insurance company kasama ang bangko kung san nakamortgage ang sasakyan po namin. Kaso nagulat na lang kami ng sabihin ng bangko na naka lock in insurance kami sa kanila at dahil hindi namin nabayaran ung 2017 na insurance ay pinapabayran smen yung unang taon ng insurance (2016 to 2017).

Ngayon ang tanong ko po, since na tinanggap nila ung comprehensive insurance na galing sa ibang company at hindi nila nireject, nagbiagay ng information sa insurance company na hindi nila inaaccpet yung insurance nila dahil ang client nila ay naka 3 year lock in period sa bangko, walang information sa amen ang bangko kung bakit kami nagpasa ng ibang insurance since kami ay lock in period sa kanila, wala po kahit isang ginawa ang bangko. Ngayon po ng malaman ko na meron ganung sitwasyon agad po ako nakipagusap sa bangko thru email na humihingi po ako ng rejection letter o ano mang information na makapagsasabi na hindi nila tinanggap yung insurance ng kabilang insurance company para marefund po namin yung binayad namin sa kabilang insurance company dahil willing po ibalik yung binayad namin ng kabilang company ngunit wala po sila maibigay sa amen na katibayan.

Ano po ang gagawin namin mag-asawa?Kailangan po ba namin bayaran yung unang taon ng insurance sa bangko o dapat na magpenalty lang po kami para sa cheke?

Maraming salamat po sa mga magiging sagot at advice ninyo po sa amen.

Pagpalain po tayo ng lahat ng Panginoon.
The administrator has disabled public write access.

Lock in Insurance for Car Loan 8 months 2 weeks ago #17919

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
Kung kasali po kasi sa kontrata nyo yung insurance na na lock-in, kailangan nyo pong respetuhin ito. Kung hindi po, mananagot po kayo ng danyos. Di naman po kayo pwede pilitin na kumuha ulit doon, pero pwede po kayo panagutin sa di nyo pagtupad sa pinag usapan.

Kung ano po ang babayaran nyo, yung insurance o yung penalty sa cheke, kung ano po ang mas mura sa inyo para po matapos na po yang problema nyo.
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.048 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.