Magandang araw po! Isa po akong cashier, na-short ang sales ko noong araw ding yun sa halagang dalawang libong piso, kinausap kami sa opisina kung bkt ang laki ng nawawalang pera, umamin kami ng supervisor ko na syang naka-assign skin na nagkamali kami ng numbering ng bundles.. binawas sa sahod namin yung dalawang libong piso at sinuspindi kami ng isang linggo.. pagkalipas ng dalawang araw mula nang kami'y isuspindi pinabalik kami sa opisina at hinold nila kami dun ng almost 8 hour at dinala kami sa police station upang ipa-blotter ang pangyayari,tama po ba ang ginawa nila? ang pagbawas po ba sa sahod namin at pagsuspindi sa amin ay sapat nang kaparusahan sa pagkakasala namin? maaari pa po ba nila kaming kasuhan kahit nabawas na yun sa sahod namin at sinuspindi na kami? at maaari po ba nilang palitan ng dismissal ang suspension namin? sana ppo ay matulungan nyo po ako, maraming salamat po. Godbless!