Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Slander & Unjust Vexation

Slander & Unjust Vexation 3 years 2 months ago #17060

Dear Atty. Libayan:

Good day!

May gusto po sana akong ihingi ng opinyon tungkol sa naging away namin sa naging other girlfriend dati ng boyfriend ko. Ang nangyari po kasi nakipaghiwalay po ang boyfriend ko sa kanya kasi may-asawa po ang babae pero hiwalay sa asawa ng 7 years na..Ang babae kasi di pa rin makapag-move on at palaging naglalagay ng kung anu-ano sa facebook account patungkol sa akin, though di naman direct ang pag-mention ng pangalan ko sa mga post nya, pero parang ang point nya eg pinapahiya nya ako sa mga tao. Na kuno, sila pa rin daw ng boyfriend ko at reserba lang daw ako ng boyfriend ko.

Ang boyfriend ko naman todo deny kasi nga nung february pa earlier this year nakipag-hiwalay na sya kasi pagkakamali lang daw yung nangyari sa kanila, humingi sya ng tawad sakin, umiyak at nagmakaawa na di ko hiwalayan kaya pinatawad ko po kasi nga 6 years na kami at engage na. Pinatawad ko kasi naki-usap din sakin ang pamilya ng lalake. Nag-promise syang di na talaga makikipag-communicate sa babae para iwas gulo na din kasi nga may-asawa na yung babae kahit pa sabihing di na sila nagsasama ng asawa nya. Eh ang babae hanggang ngayon nagpo-post pa rin ng mga salitang di naman kabastosan para sa akin pero nakakasakit po sa akin bilang babae. Kaya hiningi ko ang number nya sa boyfriend ko para pagsabihan at patigilin sya sa mga ginagawa nyang paninira sa akin sa facebook. Masasabi nating na-insulto talaga sya sa mga sinabi ko, pero beyond that, wala akong nakakasirang puri na sinabi laban sa kanya. Kung nagagalit man ako, hanggang text lang ako nakipaglaban sa kanya. Dahil dun, palagi na syang nagtetext sa akin, hanggang sa pinatolan ko po yung mga patutsada nya. Wala naman po akong sinabi sa babae na mga "defamatory words", pero di talaga ako nagpapakanti sa kanya, nanglaban din ako pero di ako kelanman nagpost ng anumang ikasisira nya publicly, I've been discreet kahit sa pamilya ko sa naging gulo sa amin, sinasabi ko nga sa kanya na hanggat maari, eh sa text na lang kami maglabasan ng sama ng loob, kasi di po tamang mag-away kami tungkol sa lalaki, saka sinasabihan ko rin syang bigyan nya ng kahihiyan ang sarili nyan, na di nya kelangang maghabol sa lalake kasi ayaw na ng lalaki sa kanya, at di na kailangan ilagay pa nya sa facebook ang patungkol dun kasi public na eh at maraming pwedeng makakita. Tiniis ko lahat attorney ang mga patutsada nya. Kaya lang di parin sya tumitigil. Nagrereply ako sa mga chat nya. SInasabi kong tigilan na nya kami kasi wala na syang makukuha sa boyfriend ko kahit anong gawin nya. Kasali sa mga sinabi ko sa kanya na wag na nyang gawing kabit ang boyfriend ko. Kasi alam kong kasal sya sa aswa nya pero hiwalay na. Di lingid sa kaalaman ko na may nangyayari sa kanila ng boyfriend ko, kasi ang babae mismo inamin nya. Kaya nga hiniwalayan na sya ng boyfriend ko kasi baka makasohan pa sya ng estranged husband ng babae ng kasong adultery.

Sadya pong ayaw tumigil ang babae. Ang sabi pa ng babae, pasalamat na lang daw ako kasi buhay pa yung asawa nya, dahil kundi daw,baka di na daw ako binalikan ng boyfriend ko. Tinanong ko ang boyfriend ko tungkol at matigas nyang i-deny na di nya sinabi yun kelanman man sa babae. Gawa-gawa lang daw yun ng babae para maghiwalay kami ng fiancee ko. Ayun tinext ko sa babae lahat ng sinabi ng boyfriend ko. Ang reply nya, bahala daw anuman sabihin sakin ng boyfriend ko laban sa kanya, ang importante daw okay sila. Sinabi ko rin sa babae na kung gusto nya na makuha ang boyfriend ko, eh ipa-annull muna nya ang kasal nya sa asawa nya. Including this text, "Nakuha mo dati ang boyfriend ko because he was overcome by lust" at inamin nyang nagkamali talaga sya sa pakikipag-relasyon nya sayo." Nagalit po sya at sinabing ang judgemental ko daw at sinabi nya sa text na iku-konsulta daw nya sa legal counsel ang mga sinabi ko patungkol sa kanya. She will take daw those words against me. Magagamit ba nya yun laban sa akin? Yung sinabi kong "wag gawing kabit ang boyfriend ko..."because he was overcome by lust?" Eh yung mga post po nyang pagpapahiya at paglalagay nya ng mga annoying posts patungkol sa akin sa facebook kahit di totoo, magagamit ko din ba yun laban sa kanya kung sakali man? Kumuha po ako ng screenshots nung mga posts nya simula nung nagkagulo kami. Pati yung mga texts nya na na-save ko dito sa phone ko, na kunwari na-wrong send sya sa akin tapos pag ifo-forward ko sa kanya eh tatawa lang sya. I was provoked attorney. Nagsisisi na din naman po ako na pinatolan ko pa ang mga pasaring nya tungkol sa akin. Nagagalit nga sya sa akin kapag nase-send ako sa kanya ng mga bible texts, nagmamalinis daw ako. I replied, " I am not even bragging anything about my character kasi di ako perpekto." Pinapalabas nya na ako daw yung nanggugulo sa kanya.

Wala pa naman pong kaso na naihain laban sa akin, pero gusto ko pong mapaghandaan ang mga posibleng mangyari. May laban po ba ako kung sakali man? Ano po ba ang pwedeng i-kaso din sa kanya? Ano po ba ang pwede kong gawin attorney para ma-resolba po ito. Kung sakali man na kelangan mo ng mga posibleng ebidensya ko laban sa babae, mayroon po ako dito. Sana po mabigyan nyo po ako ng linaw sa mga posibleng mangyayari.

Salamat po sa pagbasa ng message ko. I am looking forward na ma-settle na po ito. Kung maari di na hahantong sa kasohan. Maraming salamat po sa oras.

God bless you.
The administrator has disabled public write access.
Time to create page: 0.050 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.