Atty Libayan,
Sir, nagreport po ang aking asawa sa Tanggapan ng Punong Barangay (Barangay Chairman) ukol sa ginagawang illegal na gawain (Pagtitinda ng Shabu) ng nangungupahan sa likod ng aming bahay. Matapos isalaysay ng misis ko ang ukol sa pagbebenta ng shabu tinanong ako ng aming kapitan kung handa raw akong i-blotter sa logbook ng barangay ang mga isinumbong ko sa kanya. Binigyan pa niya ang misis ko ng assurance na iimbestigathan nya at irereport sa pulis ang mga impormasyong sinabi ko at ipapa "tokhang " pa niya. Sinabi niya rin sa akin an wag ko munang ire-report agad ito sa pulis at baka managot siya. nakinig naman po ang asawa ko. Sinabi pa niya na confidential ito.
Ngunit, laking gulat ng asawa ko, makalipas ang isang araw, ay pinadalhan ako ng subpoena ni kapitan sa kasong "paninirang puri" na ang nagreklamao ay ang nanngungupahan sa likod ng aming bahay. Dahil dito pinuntahan ko agad ang sekretaryo nang aming barangay at dito ay nakumpirma ko na ang naging basehan ng reklamo laban sa akin uko sa diumanoy p"paninirang puri" ay ang report ko sa kay kapitan.
Tanong ko po, pwede po ba akong makasuhan ng paninirang puri dahil sa report ko sa kapitan ukol sa illegal na gawain ng aming kapitbahay. Tatlo lang po kaming magkakaharap sa loob ng tanggapan ni kapitan ng magsumbong ako - ito ay ang kanyang sekretarya at isang kagawad. Ano po ang pwede kong gawin? Nasa barangay po ang usapin sa kasalukuyan laban sa aking ukol sa diumanoy paninirang puri ko dahil sa pagsusumbong ko sa kay kapitan ukol sa kanilang illegal na gawain?
Please help, Atty Libayan.
Salamat po.
ACD