Good day. Nagpunta akong puregold and natukso akong magshoplift gawa ng pangbayad ko sa tuition ang pera ko. Papalabas na ako ng store then pinacheck ng gurad yung bag ko and found some stolen items worth 515 php. Then nireport ako sa manager ng puregold. Ang sabi, nakita daw ako ng isang staff na may tinago sa bag then sabi ng guard natimbrehan nya daw ako. Then kinunan nila akong picture with the items and ang sabi ng manager bayaran ko ng 10x. Ang kaso wala akong malaking pera na 5140. Pinipilit nila ako pero wala talaga. Nagdecide ang manager na dalhin ako sa Barangay. PIna-blotter ako nd interview. Hanggang dun pinapasettle pa din yung amount. Dumating yung time na nacontact ko na ang parents ko. Sabi nila pupuntahan nila ako. However, hindi kaya ng oras ng byahe ng parents ko kasi ang rule daw sa puregold 1 hr kelangan settled na otherwise dadalhin na sa police station. DUmating yung parents ko huli na. I was on jail for days and nagbail sila mama. Hindi daw pumayag anf store sa areglo so hearing will be conducted sa MTC.Andami pong tanong sa isipan ko:
1. Ano po ba ang penalties sa gantong kaso?
2. Ano po ba ang mga sapat na ebidensya para maiissue ng warrant of arrest?
3. Ano ano po ang mga paraan para madismiss ang kaso?
4. Ilang hearing po ba ang meron sa gantong kaso?
Thank you Atty. Will wait for ur response.