Welcome, Guest
Username: Password: Remember me

TOPIC: Attempted Murder or Grave Threat

Attempted Murder or Grave Threat 6 years 5 months ago #5024

  • MGSimpelo
  • MGSimpelo's Avatar
  • OFFLINE
  • Fresh Boarder
  • Posts: 1
  • Karma: 0
Magandang araw po, gusto ko po sana isang guni ang nangyari sa akin nung July 03 ng taong ito bandang 2:00 AM - 3:00 AM para humingi ng legal advice.

Ang nangyari po kasi pagkatapos po namin mag inom ng kaibigan ko sa isang parte ng street namin ay nagawi po kami sa pinag iinuman ng tito nya na nasa street din po namin nag iinom, makalipas po ng ilang minuto na pamamalagi namin doon ay bigla pong nagsalita sa tapat ko ang tito nya sa kaibigan ko ng 'Gusto mong sampalin ko itong kasama mo?' sa kasalukuyang panahon na po naiyon ay tahimik lang po akong nakatayo at nakikinig sa usapan nila at dahil po sa pagkabigla at sa epekto ng alak ay nasagot ko sya ng 'sige, ok lang kuya. kung gusto nyo?' inambahan nya po ako pero hindi po tinuloy hanggang sa pinauwi ako ng isa naming kaibigan dahil para hindi na po ako maano. Habang papauwi na po ako ay bahagya po akong napabalik para tanungin sana ang aking kaibigan kung may naiwan ba akong pera sa kanya dahil sya yung pinapabali ko ng alak nung nag iinuman kami pero bigla pong sumigaw yung tito nya ng 'babalik ka pa ah?' at bumunot ng kutsilyo at hinabol po ako ng saksak pero inawat po sya ng kaibigan ko kaya hindi po ako inabutan.

Ang pangyayari pong iyon ay apat po kaming tao na andoon. Ako, ang kaibigan ko, ang tito nya at yung isa pa naming kaibigan.

Nung tumakbo po ako, didiretso sana ako sa barangay para magpa-blotter kaso kilala sa lugar namin yung tito ng kaibigan ko kaya nag aalangan po ako kaya bumalik po ako sa amin pero sa pagbalik ko po sa amin ay sinisi pa po ako ng dalawa kong kaibigan at ang sabi nila sa akin 'Bakit mo kasi sinagot?' natawa nalang po ako kasi wala po akong kasalanan at walang atraso sa taong umano sa akin tapos ako pa po ang may kasalanan.

Kaya ang tanong ko po, kung sakaling nagpa-blotter po ako sa barangay o pulisya ako din po ba ang talo dahil sa kaimpluwesyahan ng tito ng kaibigan ko? Kung sakali po bang pag lumabas ako ng bahay namin at may mangyari sa akin may pananagutan ba ang tito ng kaibigan ko? sa kabila ng sila lamang ang tangi kong saksi sa pangyayari ngunit parang ako pa ang kanilang sinisisi.

Sana po ay matulungan nyo po ako. Umiiwas po akong lumabas ng bahay namin dahil ayoko pong may mangyari sa akin dahil inaalala ko po ang lola ko na may sakit. Maraming salamat po.
MGSimpelo
The administrator has disabled public write access.

Attempted Murder or Grave Threat 6 years 4 months ago #5207

  • Atty. Libayan
  • Atty. Libayan's Avatar
  • OFFLINE
  • Administrator
  • Please contact us for all your legal needs.
  • Posts: 3361
  • Thank you received: 354
  • Karma: 49
Mag pa blotter na po kayo sa pulis. Wala pong attempted murder kasi po, di naman po nasimulan and "murder", pwede pong grave threat kung sinabai nga po niyang papatayin kayo.

I suggest dalhin niyo po sa barangay yan para mapag usapan nyo ng mabuti at hindi "mabote".
"Excellence is our Standard..."
Please note that answering your queries in the free legal advice forum does not create an Attorney-Client relationship.
Seek services of an independent counsel when dealing with legal issues. Legal issues need scrutiny and attention.
The administrator has disabled public write access.
The following user(s) said Thank You: MGSimpelo
Time to create page: 0.058 seconds
Powered by Kunena Forum ::

CONTACT US NOW!

Philippine Lawyers

We go live to answer all your questions

Free Legal Advice Every Wednesdays and Fridays
at 6:00 pm

Facebook Event | YouTube Channel

Season One

Episode 1:  August 31, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 2:  September 7, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 3:  September 13, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 4:  September 21, 2018

Facebook Video | YouTube Live

Episode 5:  September 28, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Episode 6:  October 5, 2018

Facebook Video | YouTube Video

Free Legal Advice

IMPORTANT NOTICE

If your predicament is urgent; or, when your case is already pending in court; please do not opt for the free legal advice. It is best to get in touch with a lawyer the soonest possible time. I answer all queries here personally but sometimes it may take time because of my busy schedule. Rest assured all will be answered but the time is indefinite. Thank you for understanding.

Ranny Randolf B. Libayan

OFFICE HOURS

9:00 AM TO 5:00 PM Monday to Friday

We are also open for appointments on weekends

It is best to contact us for an appointment if you decide to visit us so you will be given priority

SERVICES WE OFFER:

Philippine Law Firm

Representation

We will represent you in court, administrative, and other tribunal hearings.

Law Firm in Taguig

Notarization

We provide notarization and drafting of all kinds of legal documents.

Notary Public

Legal Consultation/ Retainer

We provide the best legal advice about anything legal whether it be via retainer or just one time.

Philippines Free Legal Advice

Free Legal Advice Online

We provide free online legal advice just proceed to the forums.