15 years ago (1998) nagkaron po ng away sa amin, ang tatay ko at ang asawa ng auntie ko. although hindi ako kasama sa kaguluhan subalit dahil kinukuyog si papa ng buong pamilya ng auntie ko, tinangka kong tulungan si papa at ang nadampot ko ay ang kitchen knife at ibinigay ko kay papa sa gitna ng kaguluhan / away. wala naman saksakan na nangyari dahil binitawan ni papa ang kitchen knife sa halip ay tubo ang dinampot nya para maipagtanggol ang sarili nya
matapos ang away, nagtamo ng malaking sugat ang tiyuhin ko at si papa naman minor lang, dalian silang nagsampa ng frustrated murder kay papa at isinama nila ako dahil inabutan ko si papa ng kitchen knife sa gitna ng pangunguyog sa kanya
matapos din ng away, lumipat na kami ng bahay dahil sa takot na makuyog ulit at mapasama na kami ng tuluyan
15 years ang lumipas at walang hearing na nangyari subalit sabi nila may warrant of arrest na daw ako
15 years later at namatay na nga si papa subalit buhay pa rin si tiyo until now walang hearing na nangyari kahit isa, basta lang isinampa ang kaso at ang naging resulta, nagkaron ako ng hit sa NBI
QUESTION:
1. Halimbawang may warrant of arrest (hindi ko sure kung meron nga kasi sila lang ang nagsasabi) nga na ipinalabas, at 15 years na hindi dinidinig ang kaso at walang hearing na nangyayari sa loob ng 15 years, maaari bang masara na ang kaso para mawala ang hit ko sa NBI?
2. Kung walang warrant of arrest (as they claim dahil sa ngayon nakakapunta na kami sa kanila at nakakausap pa namin), maaari bang ipa-dissmiss na ang kaso / reklamong isinampa sa akin since patay na si papa at 15 years nang walang hearing na nangyayari, ni hindi ko nga natatandaan na may hearing eh
3.Pag pina-dismiss ba yung inihaing reklamo o kaso sakin ngayon, magagawa ba ito ng hindi pinaaalam sa kanila dahil natatakot akong buhayin ulit yung emosyon na nilikha nun since sa ngayon maayos na naman kami eh
Salamat po