Good morning po. Hhingi lang po ako ng advice. Supervisor po ako sa isand dept store. kinasuhan po ako ACTS OF LASCIVIOUSNESS nung Nov 23 2013. Nagsimula po ang kaso ko nung mag petition ang ilang promo ng dept dahil sinabihan sila na di na sila irerenew dahil sa mga attitude nila. Ginawan ako ng mga malisyosong kwento. Sa due process ko po kahapon, hindi ko nabasa ang complaint letter sa akin pero tinuloy ang pag questioning saken ng taga HR. Puro ksinungalingan po ang sinabi ng mga complainant at parang cla pa ngayon ang pinaninawalaan dahil sa babae sila. Nagpplano na po ako mag resign dahil pkiramdam ko wala ng naniniwala sa akin. pati po ang asawa ko na 2 months pregnant ay apektado na din. Pwede po ba ako mag file ng ORAL DEFAMATION? Paano po mag file ng kaso? Saan po ako una magpa file? Thank you po.